DOH, nakapagtala ng mababang bilang ng mga bagong gumaling sa bansa sa COVID-19

26 lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na mga bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

Bunga nito, ang kabuuang recoveries ay nasa 448,279 o 93.6%.

959 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 478,761.


Habang ang aktibong kaso ay 21,219 o 4.4%.

Anim naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 9,263 o 1.93%.

Nangunguna pa rin ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso.

Sumunod naman ang Davao City, Rizal, Agusan del Sur at Laguna.

Facebook Comments