DOH, nakapagtala ng mababang recoveries sa hanay ng COVID patients sa bansa ngayong araw

111 lamang ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na recoveries sa hanay ng COVID-19 patients sa bansa.

Sa ngayon, umaabot na ang total recoveries sa 409,433 o 91.3%.

1,301 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 448,331.


Ang aktibong kaso naman ay bahagyang tumaas sa 30,168 o 6.7%.

35 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,730 o 1.95%.

Karamihan sa maraming kaso ay naitala mula sa Davao del Norte, Quezon City, Laguna, Rizal at Western Samar.

Facebook Comments