DOH, nakapagtala ng mahigit 1,000 kaso ng COVID-19

Inanunsyo ng Department of Health o DOH na may naitalang 1,671 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Batay sa national COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH, ang nasabing bilang ay mula Hulyo 17 hanggang Hulyo 23.

Base pa sa nasabing bilang, ang average na kaso bawat araw ay 239, mas mababa ng 14% kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 10 hanggang 16.


Sa mga bagong kaso, nasa 35 ang malubha at kritikal na karamdaman, mayroon ding naitalang 32 na pumanaw, at tatlo sa mga ito ay naitala mula noong Hulyo 10 hanggang 23.

Sa kabuuan, may 315 na malubha at kritikal na pasyente na naka-confine sa mga ospital sa buong bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments