DOH, nakapagtala ng mahigit 2,000 na bagong COVID-19 cases sa bansa

91

2,157 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na ang total cases ngayon sa 393,961 kung saan ang aktibong kaso dito ay 36,260 o 9.2%.


Ang mga bagong kaso ay naitala sa Quezon City, Davao City, Rizal, Bulacan at Cavite.

252 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ngayon ay 350,216 o 88.9%.

24 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,485 o 1.90%.

Ang mild cases naman ay 83.7%, ang asymptomatic ay 10.0% habang ang nasa kritikal na kundisyon ay 4.0% at ang severe cases ay 2.3%.




Facebook Comments