DOH, nakapagtala ng mahigit 400 na kaso ng COVID-19 ngayong araw

40

Nadagdagan ng 421 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw na bahagyang mas mataas kumpara sa naitalang 318 na kaso kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 2,839,111 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 9,750 ang active cases.

Umakyat naman sa 2,778,148 ang gumaling matapos madagdagan ng 248 na recoveries.


Nasa 51,213 ang total COVID-19 related deaths matapos madagdagan ng dalawang nasawi.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 26, 2021 habang 16 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments