DOH, nakapagtala ng mahigit 4,000 kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 4,575 na panibagong kaso ng COVID-19 ang pilipinas ngayong araw.

Mataas ito kumpara sa 3,651 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 627, 575 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 93,307 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 7,504 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 479,485 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,783 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 94 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 8 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments