DOH, nakapagtala ng mahigit isang libong bagong recoveries sa COVID-19 sa bansa ; DFA, nakapagtala ng isa lamang bagong COVID case sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

132

1,128 ang naitala ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na ngayon ang total recoveries sa 209, 885.

Sa kabilang dako, 3,962 naman ang mga bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ngayon sa bansa ay 283,460.

Ang active cases naman ay 68,645.

100 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 4,930.

Samantala, isa lamang ang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Bunga nito, ang total cases ay 10,386.




Sa nasabing bilang, ang active cases ay 3,015.

Isa naman ang naka-recover kaya ang total recoveries ay 6,594.

Wala ring nasawi sa COVID-19 sa mga Pinoy sa abroad kaya ang total deaths ay nananatili sa 777.

Facebook Comments