DOH, nakapagtala ng malaking bilang ng mga bagong namatay sa bansa dahil sa COVID-19

106 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

6,128 naman ang bagong kaso habang 491 ang bagong gumaling.

Umaabot na ngayon sa 747,288 ang kabuuang COVID cases sa bansa.


Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 130,245.

603,746 naman ang total recoveries habang 13,297 ang total deaths.

Facebook Comments