Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 146 na mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.
Ang total deaths na ngayon ay 9,699 o 1.97%.
1,453 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 492,700.
Ang aktibong kaso naman ay 24,478 o 5.0%.
397 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 458,523 o 93.1%.
Ang Quezon City muli ang nangunguna sa may pinakamalaking bagong kaso sumunod ang Cavite, Manila, Davao City at Cebu City.
Samantala, sa unang pagkakataon ay nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 322 na bagong kaso ng virus sa hanay ng overseas Filipinos.
Bunga nito, umaabot na ang total cases sa 13,378 kung saan ang aktibong kaso ay 3,858.
97 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 8,585.
Walang bagong Pinoy na namatay sa abroad sa COVID-19 kaya nananatili ang total deaths sa 935.