DOH, nakapagtala ng maliit na bilang ng COVID recoveries sa bansa; DFA, nakapagtala ng mataas na bagong kaso at recoveries sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

32

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 72 lamang na mga bagong gumaling sa bansa sa COVID-19

1,414 naman ang bagong kaso habang 16 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, ang total COVID cases na sa bansa ay 564,865 habang ang aktibong kaso ay 29,817.

Ang total recoveries naman ay 522,941 at ang total deaths ay 12,107.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 59 na mga Pinoy sa abroad na bagong tinamaan ng COVID-19.

57 naman na overseas Filipinos ang bagong gumaling sa COVID habang isa ang bagong binawian ng buhay.




Umaabot na ngayon ang total COVID cases sa hanay ng mga Pinoy sa abroad sa 14,871.

Ang aktibong kaso ay 4,490 habang ang total recoveries ay 9,366.

Ang total deaths naman ay 1,015.

Facebook Comments