Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nang mabilis na pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ito’y ilang araw matapos inanunsyo ng PAGASA Weather Bureau ang pagsisimula ng tag-ulan.
Sa inilabas na pahayag ni DOH Assistant Secretary at Spokesman Dr. Albert Domingo, nakita nila ang pagtaaas ag bilang ng mga tinatamaan ng leptospirosis simula nitong buwan ng Mayo.
Sa monitoring ng DOH, mula sa anim na kaso noong May 5 to 18 naging 60 ang kaso nito noong May 19 hanggang June 1, 2024.
Pagsapit ng June 2 hanggang June 15, naitala nila ang 83 na kaso at posibleng madagdagan pa ito dahil sa delayed na pagdating ng mga reports mula sa mga regional office.
Umakyat na rin sa 84 ang bilang ng mga namatay sa naturang sakit ngayong 2024.
Ang leptospirosis ay isang uri ng bacteria mula sa mga dumi ng hayop at mga insekto na karaniwang pumapasok sa taong lumusong sa baha na may sugat ang paa kung saan ang mga sintomas nito ay ang pananakit ng katawan, lagnat, pagsusuka, pagtatae, at pamumula ng mata.