Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang mahigit 30,000 na kaso ng breast cancer sa bansa.
Sa datos ng DOH, ngayong 2024 ay umaabot na sa 33,079 ang kaso ng breast cancer sa Pilipinas at 17.5% sa bilang na ito ay bagong kaso.
Kinumpirma rin ng DOH na ito pa rin ang nangungunang uri ng cancer sa bansa.
Dahil dito, mas paiigtingin pa ng DOH ang kampanya sa early screening and detection para maagapan nang maaga ang breast cancer.
Matatandaan na unang inilunsad sa Western Visayas Medical Center (WVMC) ang Breast Cancer Early Detection Services bilang bahagi ng malawakang kampanya ng DOH kaugnay ng breast cancer.
Kinikilala ng DOH ang hakbang na ito upang magkaroon ng sariling pasilidad na maghahatid ng diagnostics hanggang therapeutic services mula sa iba’t bang doktor na tututok sa nasabing sakit.