Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 16 na kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 o Arcturus.
Ang bagong kaso ay naitala sa Western Visayas base sa pinakahuling DOH COVID-19 bio surveillance report
Sa ngayon, umaabot na sa 44 ang kabuuang kaso ng Arcturus sa bansa.
Nakapagtala rin ang DOH ng 118 kaso ng iba’t ibang Omicron subvariants.
Kabilang dito ang 84 kaso ng XBB gayundin ang 15 kaso ng XBB.1.5, 47 kaso ng XBB.1.9.1, 10 kaso ng XBB.1.9.2 at pitong kaso ng XBB.2.3
Sa kabila nito, patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments