DOH, nakapagtala ng panibagong 46 UK variant cases, 62 South African variant at 6 na P.3 variant

Nakapagtala ang Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ng bagong 46 UK variant o B.1.1.7 variant, 62 bagong South African variant o B.1.351 variant, at 6 na P.3 variant

Ito ay mula sa 150 samples na karamihang nakolekta sa mga laboratories sa National Capital Region (NCR).

Sa bagong 46 na UK variant o B.1.1.7 variant cases, 36 dito ay local cases mula sa NCR, 2 naman ang Returning Overseas Filipinos (ROF) at walo ang iniimbestigahan pa kung local o ROF ba ang mga naitalang kaso.


Bunga nito, umabot na sa 223 ang kaso ng UK variant sa bansa.

Sa 46 na bagong kaso ng UK variant, 45 pa ang active at 1 ang gumaling na.

Ang dalawa namang ROF na may UK variant ay may address na Cagayan Valley at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa 62 naman na bagong kaso ng South African variant o B.1.351 variant, 43 dito ang local cases habang ang 19 ay inaalam pa kung local o ROF cases.

Sa ngayon, umabot na sa 152 ang kaso ng South African variant sa bansa.

Sa 43 naman na local cases ng bagong kaso ng South African variant, 41 dito ay mula sa NCR at 2 ang mula sa Calabarzon.

Sa 62 na bagong kaso ng South African variant, 60 ang active cases at 2 ang gumaling na.

Sa 6 na bagong kaso ng P.3 variant naman, 4 dito ang local cases at 2 ang bineberipika pa kung local cases o ROF.

Ang 4 na local cases nito ay mula sa NCR at lahat ng 6 na bagong kaso ay aktibo.

Nilinaw naman ng DOH, UP-PGC, at ng UP-NIH na sa ngayon, ang P.3 variant ay hindi pa matukoy kung isang variant of concern dahil wala pang sapat na data na magpapatunay kung ang nasabing variant ay may implikasyon sa public health.

Pinapayuhan naman ng DOH ang publiko na manatili sa mga tahanan at iwasan ang matataong lugar lalo na ngayong nalalapit ang Semana Santa at panatilihin ang pagkakaroon ng bentilasyon.

Facebook Comments