Umaabot na sa 182,365 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 4,786.
64,906 naman ang active cases habang 616 ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ay 114,519.
59 din ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 2,940.
Samantala, mula sa 72, umaabot na sa 73 ang bilang ng mga bansa na may Pilipinong nagpositibo sa COVID-19.
Wala ring naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na panibagong Pinoy sa abroad na gumaling sa nasabing sakit.
Wala ring Pilipinong nadagdag sa bilang ng mga binawian ng buhay kaya ang total deaths ay nananatili sa 733.
16 naman ang mga Pinoy na panibagong na-infect ng virus mula sa Amerika at Asia and the Pacific.
Bunga nito, umaabot na ang total COVID-19 cases sa mga Pinoy sa abroad sa 9,975.
3,373 dito ang active cases habang ang total recoveries ay nananatili sa 5,869.