Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng higit 50,000 indibidwal na nakarekober sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng DOH, nasa 55,204 ang naitalang nadagdag na gumaling kaya’t nasa 703,404 ang kabuuang bilang nito.
Nakapagtala rin ng 11,681 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa na ngayon ay nasa 146,519 ang bilang habang may 201 naman ang naitalang nasawi na sa kabuuan ay 14,945 ang bilang.
Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay pumalo na sa 864,868.
Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang Filipino na nadagdag sa bilang ng tinamaan ng COVID-19.
Sa inilabas na datos ng DFA, mula sa Middle East ang nasabing Filipino kung kaya’t pumalo na sa 17,099 ang kumpirmadong kaso; 1,083 ang nasawi habang umabot na sa 10,122 ang mga nakakarekober na mga Pinoy na nasa abroad.