Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakatutok sila sa 41 na close contact ng dalawang Overseas Filipino Worker na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa isang plane setting ang “close contact” ay ang mga pasaherong nasa apat na upuan sa harap, katabi at likod ng isang positibo sa COVID-19.
Ang unang kaso aniya ng Indian COVID-19 variant sa bansa ay ang 37-anyos na lalaki na galing sa Oman at may anim na close contact.
Pangalawa naman ang kaso ng 58-anyos na lalaki mula sa United Arab Emirates na mayroong 35 close contacts.
Tiniyak naman ni Vergeire na sumalang sa COVID-19 testing at nag-quarantine ang mga close contact ng dalawang OFW nang dumating sa Pilipinas.
Facebook Comments