DOH, nakatutok sa mga nagsusulputang bagong sakit

Mahigpit na tinututukan ng Department of Health (DOH) ang mga bagong sakit na lumabas sa mundo.

Ayon kay Health Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergiere, mayroong platform ang DOH kung saan dito nalalaman ang mga bagong diskubreng sakit o mga sakit na muling lumalabas sa International Health Regulation (IHR).

Sa platform aniya na ito, nagkakaroon ng constant coordination ang iba’t ibang mga bansa hinggil sa iba’t ibang sakit na namo-monitor sa buong mundo, tulad ng cluster of pneumonia na na-monitor sa Argentina.


Ayon kay Vergeire, may kapasidad ang Research Institute of Tropical Medicine o RITM na i-monitor ang naturang sakit na pinaghihinalaang legionnaires disease.

Facebook Comments