DOH, nakikipag-ugnayan na sa Marikina City LGU hinggil sa evacuees na nagpositibo sa COVID-19

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center sa lungsod.

Sa virtual press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inaalam pa ng DOH kung may sakit na ang evacuee bago siya dalhin sa evacuation center.

Ayon pa kay Vergeire, ang ginawa ng Marikina LGU ay masasabing “good practice” dahil agad na inihiwalay ang pasyente at isinailalim sa COVID-19 test.


Dagdag pa ni Vergeire, na sa isinagawang contact tracing, nag-negatibo ang 17 nitong closed contacts pero kasalukuyan pa ring naka-quarantine.

Samantala, nadagdagan naman ng dalawa ang bakwit na nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments