Nakikipagtulungan na ang Department of Health (DOH) sa Google at Apple para sa contact tracing application na layong makatulong sa pagtunton ng mga indibiduwal na nagkaroon ng contact sa suspected o confirmed COVID-19 cases.
Sa joint hearing ng House committees on Health at Information and Communications Technology, sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag, maglulunsad sila ng isang digital contact tracing app na co-developed ng dalawang multinational companies.
Tatawagin aniya itong Google-Apple exposure notification express.
Ang application aniya ay inaasahang ikokonekta sa manual contact tracing efforts ng pamahalaan.
Hindi na binanggit ni Tayag kung ano pa ang mga features ng contact tracing application.
Sinabi rin ni Tayag na hindi sila tutol sa House Resolution No. 1536 ni Speaker Lord Allan Velasco na nananawagan para sa Unified National Contact Tracing Protocol.
Inirekomenda ni Tayag na ang DOH ang magiging personal information controller para sa makokolektang health-related data.