DOH, nakipag-ugnayan na sa DepEd para mas lalo pa palakasin ang information campaign hinggil sa isyu ng HIV

Inihayag ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa na tuloy-tuloy ang DOH sa mga ginagawang hakbang hinggil sa isyu ng pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

Ayon kay Herbosa, habang hinihintay na talakayin ang mungkahi niyang pagdedeklara sa HIV na National Public Health Emergency, tuloy-tuloy ang DOH sa mga hakbang para maiwasan na kumalat ang nasabing sakit.

Paliwanag pa ng Kalihim, may mga programa at hakbang ang pamahalaan na ginagawa hinggil sa isyu ng HIV pero hindi pa ito sapat.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang DOH at DepEd para mas lalo pa palakasi ang information disemination lalo na’t ilan sa mga tinamaan ng HIV ay pawang mga Gen Z o mga kabataan.

Nanawagan din siya sa ibang sektor na tumulong upang mapigilan ang pagkalat ng HIV sa bansa kung saan nasa 57 bagong kaso ang naitatala kada araw ngayong 2025.

Facebook Comments