DOH, nakipagpulong na sa PRC at Board of Nursing hinggil sa planong pagbibigay ng temporary licenses sa mga nursing graduate na non-board passer

Nakipagpulong si Health Secretary Ted Herbosa sa Philippine Regulation Commission (PRC) at sa Board of Nursing hinggil sa plano niyang magbigay ng temporary licenses sa mga nursing graduate na hindi pa pumapasa sa board exam.

Ayon sa kalihim, nagpahayag ng suporta ang PRC at ang Board sa paghahanap ng legal na solusyon upang resolbahin ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.

Bago ito, nanindigan si Herbosa na patuloy niyang itutulak ang panukalang pagbibigay ng temporary license sa mga nursing graduate na nakakuha lamang ng 70% hanggang 74% sa board exam upang mapunan ang 4,500 na bakanteng plantilla items sa mahigit 70 ospital ng Department of Health (DOH).


Pero sinabi ng PRC na walang probisyon sa ilalim ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagpapahintulot sa pagbibigay ng temporary licenses sa mga nursing graduate na non-board passer.

Facebook Comments