DOH, nakiusap sa mga LGU na magpasa ng vaccination microplans ngayong linggo

58

Inatasan ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Units (LGU) na magpasa ngayong linggo ng kanilang micro-plans para sa vaccination program laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Napoleon Arevalo ng COVID-19 Policy and Planning on National Deployment and Vaccination Task Group, nais nilang malaman kung ilang vaccinators at team members ang binuo ng mga LGUs.


Sabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na magiging ‘tranches’ ang pagsasagawa ng inoculation program – ibig sabihin, hindi ito sabay-sabay.

Inaasahang matatanggap ng DOH ang micro-plans ngayong araw.

Facebook Comments