Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga indibiduwal na nakararanas ng mild symptoms ng COVID-19 na magtungo sa inilaang isolation facilities sa halip na ospital.
Layunin nitong mapaluwag ang mga ospital at mailaan ang mga pasilidad nito para sa mga may severe at critical cases.
Si DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega ay patuloy na nag-iikot sa mga ospital para alamin ang sitwasyon at matiyak na hindi nasasagad ang kanilang kapasidad.
Una nang nakiusap ang kagawaran sa mga ospital na dagdagan ang kanilang kapasidad para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Nasa 30-percent ang inirerekomendang bed allocation sa pribadong ospital habang 50-percent para sa pampublikong pagamutan.
Facebook Comments