DOH, nakiusap sa publiko na huwag ipahiya ang mga pasyenteng may COVID-19

Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang pamamahiya sa mga taong may COVID-19. Sa virtual presscon ng DOH ngayong hapon.

Sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nalulungkot sila sa nararanasang diskriminasyon ng mga pasyenteng may COVID-19 gayundin ang mga healthcare workers.

Giit ni Vergeire, walang sini-sino ang COVID-19 at lahat ay pwedeng mahawa nito. Hindi dapat aniya ito makaapekto sa pakikitungo sa ibang tao o gawing dahilan para manakit.


Kaugnay din nito, nangangampa ang DOH na posibleng may mga sakit o sintomas ng virus ang hindi na magpunta sa ospital at magpagamot dahil sa takot na makaranas ng diskriminasyon at stigma.

Facebook Comments