DOH, namagitan na sa problema sa malaking pagkakautang ng PhilHealth sa Red Cross; Balanse, nabayaran na

Pumasok na ang Department of Health (DOH) at namagitan sa multi-milyong pisong pagkakautang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross (PRC).

Ito ay matapos na ihayag ni Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon na hindi na kayang ituloy ng PRC ang pagsasagawa ng COVID-19 testing kung hindi mababayaran ng PhilHealth ang 700 million pesos na utang nito sa kanila.

Sa kaniyang virtual press briefing, sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na naipadala na sa Red Cross ang balanse ng PhilHealth.


Ayon kay Vergeire, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa Red Cross upang hindi na maulit ang katulad na pangyayari.

Aminado ang opisyal na aabot sa 40% ng COVID-19 testing ay ginagawa sa mga laboratoryo ng Red Cross.

Facebook Comments