Umapela ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa Manila Water na bigyan prayoridad na magkaroon ng supply ng tubig ang mga hospital sa Pasig City at Mandaluyong City dahil marami ng mga pasyente ang lalong nagkakasakit.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, sumulat na siya sa pamunuan ng Manila Water upang agarang bigyan prayoridad na mabigyan ng supply ng tubig ang mga pagamutan sa Pasig City at Mandaluyong City.
Paliwanag ng kalihim masyado ng masangsang ang amoy ng mga palikuran sa nabanggit ng mga pagamutan dahil ilang araw ng wala silang supply ng tubig kung saan lalong nagkakasakit ang mga pasyenteng na naka confined sa naturang mga ospital.
Giit ni Duque hindi lamang ang mga CR ng mga hospital ang walang supply ng tubig kundi maging ang mga paaralan sa nabanggit na lugar ay umaangal na rin ang mga guro at estudyante dahil sa masangsang na amoy sa kanilang mga palikuran na posibleng magdulot ng mga sakit ang mga mag-aaral.