DOH, nanawagan sa publiko na isipin ang kapakanan ng senior citizens ngayong holiday season

May panawagan ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko na dapat na isipin at isaalang-alang ang kapakanan ng senior citizens ngayong holiday seasons.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, ipinaliwanag nila na ang mga nakatatanda lalo na ang mayroon pang ibang sakit ay may posibilidad na sila ay tamaan o makaranas ng COVID-19 kung magpapabaya ang mga lalapit sa kanila.

Sinabi pa ng DOH, upang hindi mahawa ng COVID-19 ang mga nakatatanda ay sumunod na lamang muna sa mga inilabas na protocols ng pamahalaan tulad ng pagsunod sa minimum health standards.


Maigi na rin na gumawa ng online activities gaya ng video calls upang makita at makausap ang mga kaanak o mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan.

Ayon pa sa DOH, mainam na limitahan pa rin ang pisikal na pagtitipon sa mga miyembro ng pamilya at sakali naman makakasalamuha ang mga nakatatanda, maiging panatilihin ang distansya.

Iwasan na rin muna ang pagmamano o paghalik sa mga lolo at lola at sa halip ay maghanap ng ibang paraan ng paggalang tulad ng pagyuko, pagkaway at iba pa.

Sa mga nakatatanda naman partikular ang 65-anyos pababa ay sila lamang ang maaaring lumabas ngunit, iginiit ng DOH na hangga’t maaari sana ay ibang miyembro na lamang ng pamilya ang dapat na lumabas upang mamili o may kailangang gawin.

Facebook Comments