Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang non-essential travel at sundin ang health protocols sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Nabatid na naitala noong Sabado, March 20 ang 7,999 new COVID-19 cases.
Ayon sa DOH, mahalagang sundin ng publiko ang minimum health standards para mabawasan ang tiyansang mahawaan ng sakit.
Sa nalalapit na Semana Santa, pinayuhan ng DOH ang publiko na dumalo na lamang sa online masses.
Ang mga makakaranas ng sintomas ng COVID-19 ay agad na makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa agarang testing at isolation.
Ang pangunahing objective ngayon ay matiyak na hindi naantala ang pagbibigay ng healthcare services sa COVID at non-COVID patients.
Facebook Comments