DOH, nanawagan sa publiko na sundin ang health protocols tuwing dadalo sa Simbang Gabi

Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga mananampalataya na sundin ang minimum public health standards habang dumadalo sa Simbang Gabi para maiwasan ang COVID-19 ‘superspreader ‘ events.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ganitong pagtitipon ay isa sa mga pinangangambahang magdulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Paiigtingin nila nag kanilang koordinasyon sa Simbahang Katolika para ipatupad ang minimum health standards sa loob ng mga simbahan lalo na at maraming tao ang magsisimba.


Nakahanda na rin ang pamahalaan sa post holiday surge at mahalagang maiwasang mangyari ito para hindi ma-overwhelm ang health system at respond capacity.

Ang superspreader event ay nangyayari kapag naipapasa ng isang tao ang virus sa mas marami pang bilang ng contacts.

Paalala ng DOH sa mga dadalo sa Simbang Gabi na sundin ang physical distancing na isang metro ang pagitan, magsuot ng face mask at face shield sa lahat ng oras habang nasa pampublikong lugar, limitahan ang aktibidad o exposure at tiyaking may maayos na ventilation sa mga venues.

Facebook Comments