DOH, nanawagan sa publiko na tigilan na ang pagpapaputok

Nanawagan ang Deparment of Health sa publiko na tigilan na ang pagpapaputok.

Ito ay dahil sa patuloy na nakakapagtala ang DOH ng mga napuputukan kahit tapos na ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa DOH, nananatiling pangunahing biktima ng mga paputok ang mga kabataan at menor de edad.


39 ang bagong kaso ng firework-related injuries na naitala ng DOH noong bisperas ng Bagong Taon, habang 9 kaso naman ang dumagdag noong Enero 2, at 19 na kaso sa mga nakaraang araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 771 ang bilang ng mga kaso ng tinamaan ng paputok kung saan mas mataas ito ng 27.6% kumpara sa nakaraang taon.

Sa tala ng DOH, kwitis, 5-star, at boga ang nananatiling nangungunang sanhi ng mga pinsala.

Ilan sa mga biktima ay nasunog ang balat at mga malubhang kaso ay amputation o pagputol ng bahagi ng katawan.

Kabilang din sa naitala ng DOH ang unang kumpirmadong kaso ng tama ng ligaw na bala, kung saan isang 19 anyos na lalaki mula Davao del Norte ang nasawi.

Facebook Comments