DOH, nangako sa Comelec na ipagbabawal na ang campaign materials sa mga pampublikong ospital at health centers

Tiniyak na sa Comelec ng Dept  of Health  na mahigpit na nilang ipinagbabaawal ang pagkakabit ng anumang election paraphernalia sa government hospitals at health centers.

 

Ayon sa Comelec, mismong si Health Sec. Francisco Duque ang naglabas ng direktiba. Bunga nito, kumpiyansa ang Comelec na susundin ng lahat ng mga opisyal at kawani ng DOH ang direktiba, alinsunod na din sa umiiral na Comelec Rules and Regulations kaugnay ng May 13, 2019 national at local elections.

 

Inilabas ng Comelec ang nasabing impormasyon kasunod ng panawagan na  baklasin ang lahat ng mga malasakit center posters na naglalaman ng mukha ng isang senatorial candidate sa mga pampublikong ospital.


Facebook Comments