DOH, nanindigan na hindi pa ring ligtas na maligo sa Manila Bay

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) na hindi pa rin ligtas na maligo sa Manila Bay.

Ito ang abiso ng ahensya kasunod ng pag-trending at pag-viral ng mga litrato sa social media ng Manila Bay pagkatapos ng clean-up nitong Linggo.

Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo – antayin ang resulta ng pagsusuri sa kalidad ng tubig ng look bago magtapisaw at lumangoy.


Sa water tests kasi malalaman kung ligtas na ba para languyan ang Manila Bay.

Kabilang sa mga sakit na maaring makuha sa maruming tubig ay diarrhea, cholera, typhoid, dysentery, skin diseases at eye infections.

Facebook Comments