DOH, nanindigan na huwag munang palawakin ang travel ban kaugnay ng COVID threat

Wala pang plano ang DOH o ang Inter-Agency Task Force na magpatupad na rin ng travel ban sa Japan, Singapore, Italy, Iran at iba pang bansa.

Ayon kay Health Sec Francisco Duque III, ito ay dahil nasa medium risk lamang ang naturang mga bansa.

Kinumpirma rin ng kalihim ang pagpapahinto ng pag-iisyu ng visa sa mga Iranians.


Ito ay dahil isa ang Iran sa may mataas na fatality rate sa COVID-19 na nasa 7.3 percent.

Muli ring umapela ang kalihim sa publiko na huwag nang magpagamit sa mga nagpapakalat ng fake news para hindi na makadagdag sa pagpanic  ng publiko.

Facebook Comments