DOH, nanindigan na tuluyan nang nagtatagumpay ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19; pero 3rd wave ng virus, ibinabala sakaling tanggalin na ang ECQ

Nanindigan ang Department of Health (DOH) sa malaking improvement sa patuloy na pagbaba ng banta ng COVID-19 sa bansa o ang patuloy na pag-flatten ng curve.

Tinukoy ni Dr. John Wong, isang epidemiologist at bahagi ng IATF sub-technical working group ,ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID at ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga namamatay sa virus.

Isa aniya itong malinaw na indikasyon na nagtatagumpay na ang gobyerno sa mga hakbangin nito para mabawasana ng bilang ng mga nahahawaan ng sakit.


Sa kabila nito, nagbabala si Dr. Wong sa third wave ng virus sa sandaling alisin na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at maging kampante ang mga tao.

Bunga nito, nagpa-alala si Dr. Wong na dapat pa ring panatilihin ang tamang health protocols lalo nat wala pang natutuklasan na bakuna kontra COVID.

Ayon din sa DOH, mahalaga pa rin ang isolation para maiwasan ang pagkakahawa-hawa ng sakit.

Tiniyak naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumuo na sila ng long-term plan kung saan inilatag ng DOH sa LGUs ang pagkakaroon ng health system kabilang na ang pagkakaroon ng temporary treatment and monitoring facility.

Samantala,pina-alalahanan naman ni Dr. Anna Ong-Lim, President ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, ang mga ina na bagong panganak na palaging magsuot ng face mask.

Dapat din aniyang ipagpatuloy ang pagpapabakuna sa mga bata para mai-iwas sila sa iba pang virus maliban sa COVID-19.

Facebook Comments