Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque na tanging ang mga indibidwal lamang na may sintomas ng Covid 19 ang kanilang isasalang sa pagsusuri.
Depensa ito ng kalihim sa mga nagsasabing bakit hindi na lamang magtest ng magtest ang DOH ngayong parami na ng parami ang kaso ng Covid 19 sa Pilipinas.
Sinabi ni Duque sa Laging handa press briefing sa Malakanyang na hindi nila ito maaaring gawin dahil sa limitadong supply at mayruong global shortage ng testing kit.
Paliwanag nito hindi kasi na anticipate ng mga suppliers ang sitwasyon ngayon kung kaya nagkukumahog ang mga ito sa pag-produce.
Giit pa ng kalihim may sapat silang pondo pambili ng kit at sa katunayan, handang tumulong ang PCSO at PAGCOR para sa pag-procure ng mga testing kits.
Maliban sa mga may sintomas ng Coronavirus prayoridad ng ahensya na isalang sa pagsusuri ay mga indibidwal na mayroong travel history at direct exposure sa taong may COVID-19.