Nanindigan ang Department of Health (DOH) na dapat ikonsidera ang pagkuha ng mga non-board passer na nurse para magtrabaho sa gobyerno.
Ito ang pahayag ni DOH Sec. Teodoro Herbosa kasabay ng anunsyong nangangailangan na ng 4,500 nurse para punan ang mga kakulangan sa pitumpung ospital ng DOH sa buong bansa.
Ayon kay Herbosa, ito ay upang masolusyunan ang nangyayaring brain drain ng mga nurses sa mga pampublikong ospital.
Inihalimbawa dito ni Herbosa ang sitwasyon sa Philippine Heart Center kung saan noong mga nakalipas na panahon aniya ay napupunan kaagad ang kakapusan sa mga nurse, pero ngayon ay may bakante o kakulangan pang 110 nurses.
Sa kabila nito, inihayag ng kalihim na marami pa rin silang opsyon sa kabila ng mga legal na limitasyon.
Facebook Comments