Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi pa tapos ang public health emergency.
Ayon sa DOH, patuloy pa silang naka-monitor sa sitwasyon sa bansa at sa buong mundo kaugnay ng COVID-19.
Naghihintay rin ang DOH ng go signal mula sa global health partners tulad World Health Organization (WHO) hinggil sa kung dapat na bang magdeklara na tapos na ang public health emergency sa bansa.
Sa ngayon, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na mamuhay kasama ang virus.
Sa tulong ng Philippine Genome Center, patuloy rin na naka-monitor ang DOH sa XBB COVID-19 variant na sinasabing dumadapo kahit sa mga bakunado na.
Muli ring hinimok ng DOH ang publiko na magpa-booster shot sa harap ng mga nagsusulputang bagong variants.
Facebook Comments