DOH, naniniwalang hindi pa tapos ang pinakamalalang surge ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Sa kabila ng pahayag ng OCTA Research group na narating na ng Metro Manila ang pinaka-peak o pinakamataas na daily average cases ng COVID-19, kinontra ito ng Department of Health (DOH) at sinabing hindi pa tapos ang surge ng kaso.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na hindi pa maaaring sabihin sa ngayon na nangyari na ang pinakamataas na numero ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ani Vergeire, very unpredictable ang COVID-19 at maaari itong muling sumirit kung magpapabaya ang karamihan.


Partikular ngayon kung saan maraming mga establisyemento at negosyo ang muling binuksan kung kaya’t napakahalaga ng palagiang pagsunod sa health protocols tulad ng mask, hugas at iwas.

Facebook Comments