DOH, natuklasan ang 297 na hindi gumaganang super health centers sa Marikina City

Natuklasan ni Health Sec. Teodoro Herbosa ang 297 na hindi gumaganang super health centers sa Marikina City.

Sa inspeksyon ni Herbosa, natuklasan na pawang halaman lamang ang nasa pwesto ng dapat tinayuan ng super health centers

Ayon sa kalihim, dapat April 2024 ay nakumpleto na ang super health centers base sa nakasaad sa kontrata.

Nabatid na ang naturang mga proyekto ay pinondohan ng 12 million hanggang 20 million pesos kada isa.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) secretary na iimbestigahan nila ang naturang katiwalian at kakausapin nila ang Marikina LGU.

Facebook Comments