DOH, natuwa sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa HIV-AIDS law

Manila, Philippines -Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa HIV-AIDS act bilang isang ganap na batas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mabibigyan ng tamang suporta ang mga Pilipinong may HIV-AIDS kaya lubos ang kanyang pasasalamat sa Pangulong Duterte sa pagbibigay ng prayoridad at aksyon laban sa HIV-AIDS.

Sa ilalim ng batas, ang gobyerno ay dapat magbuo ng mga programa at polisiya upang magkaroon ng multi-sectoral approach para maiwasan ang paglaganap ng HIV.


Paliwanag ng kalihim sa pamamagitan din ng batas na ito, ang mga kabataang nagkaka-edad ng 15-anyos ay maaari ng magpasuri o sumailalim sa HIV test.
Naniniwala ang kalihim na bagaman matagal pa at mahirap ang landas na tatahakin, ang matatag na kolaborasyon ang solusyon upang makamit ang mithiin na maging HIV-free ang Pilipinas.

Facebook Comments