Tumaas ang naitatalang kaso ng dengue at leptospirosis sa National Capital Region (NCR).
Ito ang inilabas na datos ng Department of Health (DOH) – NCR sa ginanap na Kapihan sa Media kung saan naabot na ng nasabing rehiyon ang alert threshold pagdating sa kaso ng dengue.
Ayon sa DOH-NCR, mas mataas ng 53% ang naitalang kaso kumpara sa nagdaang 5 taon na walang outbreak average kung saan 24, 232 ang dengue cases sa Metro Manila mula January 1 hanggang October 26, 2024 kung saan 66 ang naitalang nasawi.
Giit ng DOH-NCR, nagpapakita ito na bahagyang dumarami o tumataas ang bilang ng mga indibidwal na tinatamaan ng denuge.
Sa kaso naman ng leptospirosis, sinabi ng DOH-NCR na may ilang lugar sa Metro Manila ang naabot na ang epidemic threshold o ang biglaang pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng naturang sakit.
Nasa 2,734 na kaso ng leptospirosis sa NCR ang naitala mula January 1 hanggang October 26, 2024 at 216 na ang nasawi.