Nagawa ng Pilipinas ma-‘flatten” ang COVID-19 pandemic curve sa maikling panahon.
Ito ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) sa naunang pahayag ni Secretary Francisco Duque III.
Sa DOH Virtual Presser, muling binasa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang official statement ni Duque.
Aniya, na-flatten ang curve hanggang sa muling nagbukas ang ekonomiya.
Sinabi ni Vergeire na naging epektibo ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa pagpigil ng pagkalat ng sakit.
Inaasahan pa ring tataas ang kaso pero hindi dapat humantong sa pagkamatay ng mga pasyente.
Mahalaga ring mapanatili sa manageable level ang severe at critical cases para hindi ma-overwhelm ang healthcare capacity ng bansa.
Mula nitong July 15, ang case doubling time o haba ng araw bago dumoble ang kaso ay umaabot sa walong araw.
Muling hinikayat ng DOH ang publiko na sundin ang minimum health standards tulad ng physical distancing, proper handwashing, cough etiquette at iba pa.
Sa kanyang twitter account, sinabi ni Duque na nagkaroon ng flattening ng pandemic curve noong Abril matapos ang ECQ noong March pero nagkaroon ng pagtaas ng kaso dahil sa expanded testing at community transmission.