Iginiit ng Department of Health (DOH) na nananatiling “standing policy” ang pagsusuot ng face shields sa ilang lugar lalo na sa mga masisikip na public spaces.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang face shields ay kailangang suotin sa mga sumusunod na lugar.
– Enclosed public spaces
– Schools
– Workplaces
– Commercial establishments
– Public transport at terminals
– Places of Worship
– Ibang public spaces kung saan imposible ang 1-meter physical distancing at mayroong higit 10 tao
Ani Vergeire, ang pagsusuot ng face shields ay nakadepende sa lugar at sitwasyon.
Gayumpaman, nilinaw ni Vergeire na ang mga local government units (LGUs) ay maaaring magpatupad ng mahigpit na patakaran.
Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaaring tanggalin ng publiko ang kanilang face shields habang nasa labas.