Nasa 21% lang ng total bed capacity sa lahat ng state hospitals habang 10% sa mga pribadong ospital sa National Capital Region (NCR) ang nailaan sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) kasunod ng mga ulat na naaabot na ng mga ospital sa bansa ang full capacity para sa mga COVID-19 patients.
Sa datos ng DOH as of July 29, 74% ng kabuuang ICU beds at 82% ng kabuuang isolation beds ang okupado na ng mga pasyente.
Pero ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nasusunod naman ng mga ospital ang proposal ng ahensya na itaas ang bed allocation ng mga ito para sa mga COVID-19 patients sa 50% mula sa kasalukuyang 30%.
Nagtatag na rin aniya ang DOH ng “hospital command” para palakasin ang referral system sa mga ospital.