DOH, nilinaw na ang mga gamot na FDA registered lamang ang pwedeng ireseta ng mga lisensyadong doktor

Tanging ang mga gamot na rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang maaari lamang ireseta ng mga lisensyado ng mga doktor.

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos matanong kung iligal ba sa mga doktor na i-prescribe ang Ivermectin.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong batas sa Pilipinas kung saan nakasaad na ang mga gamot na rehistrado lamang sa FDA ang maaaring ireseta ng mga lisensyadong doktor.


Kung ang gamot ay hindi rehistrado at ito ay inireseta ng doktor, ikinokonsidera ito na ilegal na aktibidad.

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo, ang compassionate special permit (CSP) na inisyu sa isang ospital ay hindi ikinokonsiderang product registration para sa Ivermectin.

Ibig sabihin, ang mga doktor mula sa nasabing ospital ay pwedeng i-prescribe ito sa mga pasyente.

Ang Ivermectin products na rehistrado sa Pilipinas ay para lamang sa veterinary use.

Facebook Comments