DOH, nilinaw na expanded testing ang kanilang isinusulong

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na expanded testing at hindi mass testing ang kanilang isinusulong laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat gawin din ang house-to-house na pagtetest.

Paliwanag pa ni Vergeire, dapat ang mga maunang sasailalim sa test ay ang mga may sintomas lamang o na-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.


Giit pa niya, napakahalagang masuri agad ang mga posibleng carrier ng sakit para agad maialis sa kanilang tahanan at ma-isolate.

Facebook Comments