DOH, nilinaw na hindi basta-basta mabibili sa mga botika ang bivalent vaccine

Hindi basta-basta mabibili sa mga botika ang Pfizer bivalent vaccine.

Ito ang nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa kasunod ng pagbibigay ng Certificate of Product Registration (CPR) ng Food and Drug Administration (FDA) sa bivalent vaccine.

Ayon kay Herbosa, bagama’t pwede nang ibenta sa publiko, hindi ito mabibili sa mga ordinaryong drug store dahil kailangan aniyang i-supply ito sa mga botikang mayroong freezer.


Dagdag pa ng kalihim, hihingin din nila ang tulong ng private sector para maipamahagi ang mga bakuna.

Ani Herbosa, malaking bagay umano ang nabigay na Certificate of Product Registration (CPR) sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination ng pamahalaan dahil nahirapan aniya silang kumuha ng donasyon para sa bivalent vaccine.

Kasunod nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na samantalahin na ang pagbabakuna hangga’t libre pa ito.

Sa oras kasi na alisin na ang public health emergency sa COVID-19 ay piling sektor na lamang ang mabibigyan ng bakuna.

Facebook Comments