DOH, nilinaw na hindi garantiya ang face mask at face shield para makaiwas sa COVID-19

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may panganib pa rin sa pagtungo sa mga matataong lugar kahit naka-face mask o naka-face shield.

Ginawa ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang babala matapos ang pagdagsa ng maraming mamimili sa Divisoria sa Maynila.

Ayon kay Vergeire, hindi garantiya ang pagsusuot ng face mask at face shield para hindi mahawaan o makapanghawa ng virus.


Bunga nito, pinapayuhan ni Vergeire ang publiko na mag-online shopping na lamang ngayong holiday season upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa halip din aniyang magtipon-tipon ngayong Christmas season ay maiging mag-video call na lamang.

Muling namang nagpa-alala ang DOH sa publiko na panatilihin ang mahigpit na pagsunod sa health standards, saan man sila magtungo ngayong holiday season.

Facebook Comments