DOH, nilinaw na hindi kasama ang vaccine supply sa Confidentiality Disclosure Agreement ng Pfizer

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kasama ang supply ng bakuna sa Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) ng gobyerno at American firm na Pfizer para sa COVID-19 vaccine procurement.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bahagi ito ng inisyal na pag-uusap sa CDA sa pagitan ng pamahalaan at Pfizer para makita ang mga dokumento at mapag-aralan ang profile ng bakuna.

Pinag-uusapan din aniya sa CDA kung paano nila maibibigay ang impormasyon para mapag-aralan ng DOH kasama na ang Department of Science and Technology (DOST) at Office of the Executive Secretary.


Naunang sinabi ni Duque na patuloy pa rin ang negosasyon sa pagtitiyak ng supply ng bakuna mula sa Pfizer.

Facebook Comments